When I get to Cebu… Ah sarap isipin nuh? I can start my career as a web designer and web developer, the name of the place where I’ll be having my practicum will adorn my beloved resume. Dami kong plano; naigawa ko na nga ng flow chart at na convert ko na sa gannt chart ang lahat. Pero gaya ng mga napapanood mong telenobela sa T.V.. Kung kelan nakangiti na ang bida at bitbit ang bag nya eh magbabago ang takbo ng istorya… Hindi twist tawag dun kasi parang routine na ng mga istorya dito sa pinas yan eh… At saka…. HINDI GWAPO ANG BIDA SA ISTORYA NA TO(hahahaha *evil laugh).
"I started out clean but I'm cheated."
Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan tong yugto na to.. Pero sabihin na lang natin na katulad ng pelikula ni Fernando Poe…. Ay teka ibahin natin…. Gaya ng episode ng Naruto(yan nakakarelate ka na siguro) eh walang shortcut sa paglakas at pag galing ng bida… Yun bang tipong dadaan muna sya sa maraming pagsubok; mag iigib ng tubig, pipila para bumili ng NFA rice, mag pepenitensya, kakain ng bubog, kukuha ng NBI clearance, papasok sa NSTP kasabay ng pagtugtog ng “Eye of the Tiger” sa background.
Isang araw pinatawag ako ng Guidance Counselor ng school (yup para bang ako yung tipong kabataang naliligaw ng landas na kailangang gabayan). “Arnaldo hindi ka para dun eh..” Hindi ko alam kung si Madam Auring ang nagsabi sakin nyan o baka bagong joke na na ginaya nila sa Bubble Gang. Mayabang daw ako sabi ng mga nasa faculty at magiging problema daw ako sa company pag pinawalan ng maaga. “Sa ngayon under observation ka pa”(ngayon pasyente naman ako), hindi ko alam kung ano trip ng pamunuan nun bakit ako kailangang I-hold….
So sa madaling salita, my trip to Cebu was cancelled… For good? I don’t know… Hindi ko sila maintindihan sa totoo lang… I’ve been working my butt for hours every day just to fill the spot Jared has vacated and this is all I got? Nag aaral ka, tapos nag tatrabaho bilang Media Personel(ng libre), sasabihan kang mayabang dahil hindi ka daw marunong mag greet ng tao at dahil sa ubod ng yabang ang taong nauna sa posisyon mo. Ang saya, eto na siguro yung time ng buhay natin na kahit yung knock knock who’s there joke eh tatawanan natin.
I told myself I’ll find an ojt myself if these people won’t let me go to Cebu. Sinasabi ng mga tao sa paligid ko na umangal at ipaglaban ang karapatan ko. Pero I told them; “may proseso tayong sinusunod, igalang natin.”