"Dahil dyan mayron kayong 50 thousand pieces!"
All for Juan One for All: Copyright Eat Bulaga, GMA 7
|
Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin nito, pero parang may
pattern madalas ang mga sinasabi ng mga nananalo sa palaro ng mga noontime at
game show sa t.v.
Host 1: Congratulations! Nanalo po kayo ng 50,000 pesos!
Host 2 (na madalas ay kung hindi kengkoy
na komedyante ay babaeng nag pose na sa kalendaryo ng Tanduay): Para san
nyo po gagamitin yung napalalunan nyo?
Contestant: *maiyak iyak pa. Pambabayad po ng utang.
Contestant: *maiyak iyak pa. Pambabayad po ng utang.
At dyan na magsisimulang mag mention si contestant ng mga
pinagkakautangan. Mula sa ginamit na pera ng anak para makapag abroad, hanggang
sa inutang na baboy para may maihanda sa pyesta at pati gamot ng mga magulang
sa probinsya, di ko alam pero sa tingin ko paulit ulit ang ganitong klaseng
conversation sa mga game show na nakikita natin sa T.V. May 50,000 ka na nga
tapos pambabayad mo lang pala ng utang? Anyareh!?
Bahagi na ng kulturang Pilipino ang utang. Bakit ko nasabi? Lahat ata
tayo may utang, kasama na ako dun. Pero paano mo nga ba masasabi na kahit paano
ay may sense man lang ang utang mo. Or much better, paano ka ba makakaiwas sa
pagkakautang? Aminin man natin sa hindi may mga kakilala tayo, at malamang isa
sila sa mga kamag anak, kaibigan at kapitbahay, na baon sa utang.
Pero bakit nga ba nagkakautang tayong mga Pinoy. Eto ang mga bagay na
naiisip ko sa ngayon.
Yabang –
Lahat ng ka opisina mo naka Iphone. Well dahil dyan ikaw ngayon ay obligadong
umutang para magkaron ng pinaka latest na Iphone. Syempre obligasyon mo yan.
Tandaan mo nag oopisina ka sa Makati (pronounced as “mac-et-te”). Sino ba naman
ang di mahihiya na dalhin ang cellphone mong dual sim dun diba? At dahil dyan
gagamitin mo ang iyong credit card para makakuha ng latest na cellphone. Teka
di ba may balanse kang 10,000 dahil sa kinuha mong Sony VAIO na nakatambak
ngayon sa kwarto mo? Di bale last 6 months na lang naman di ba?
Eto ang nakakalungkot. Nabubuhay tayo sa era kung
saan ang possession ng isang tao ang nagdidikta kung sino ka at ano ka. We
behave as if it is our obligation to showcase a “wrinkle-free” life to
everyone. That obligation forces us to apply temporary makeup just to send a
mesage to the whole planet that we are important, unique, rich <insert other
adjective here>. Delikado ito dahil napipilitan ang karamihan satin na
umutang just to get that “something”. Hindi naman talaga gagamitin yung
nabiling gadget, appliances, sasakyan or properties ipapamukha lang nya sa
kapwa nya na kaya nyang bumili nun.
Culture: “Pag
May Pera ang Kapwa Dapat Utangan Mo” – This was shared by my girlfriend’s mom,
sabi nya “wag mo basta basta ipapaalam sa lahat na may pera ka. Kasi lalapitan
ka para utangan ng mga taong wala namang balak magbayad”. There’s wisdom inside
this statement at para sakin tama rin naman na out of our conviction kung
magpapahiramn ba tayo or hindi. Talaga namang may mga tao na pag nalaman na
mataas ang sahod mo or may pera ka ang expression nila agad ay “pautang naman!”.
Nanghihiram tayo without proper plans kung para saan ba yung hihiramin nating
pera at paano tayo magbabayad. Bakit ko nasabi to? Kasi ganito rin ako dati.
=))
Pinoy
Habit: “Waldas Yaman” – Kailangan ko pa bang i expound ito? Totoo nga naman ang
karamihan satin ay bago dumating ang 15th at 30th ay wala ng pera. Ang masaklap
nito, in case of emergency ay wala ng mahugot na pera dahil walang nakatabi. At
dahil wala kang nakatabing pera, mangungutang ka ngayon. I don’t know about you
but I found out that we Filipinos are driven by consumerism (“gastos dito, bili
doon”) na galing sa kultura ng mayayamang bansa. Hindi naiisip ng karamihan
satin na dapat mag save up sa panahon ng tagtuyot ng bulsa. “Pag may sinuksok,
may madudukot” eka nga nga isang kasabihan. Ang problema ay mukhang sa textbook
na lang ata yan nababasa ng mga kabataan ngayon. At maintindihan man ng
kanilang murang isip, malalanta naman ito pagtanda nila dahil sa tambak na
idealism at kultura ng pagwawaldas sa paligid at minsan kahit sa tahanan nila.Sabi ng BSP sa kanilang survey, ang average na
naitatabi ng Pilipino para sa emergency ay “P1,681".
Karamihan satin ay walang savings
account, at sigurado iisipin natin na pang-mayaman lang ang pag iimpok sa
bangko.
*source: Most Filipinos have no bank accounts—BSP
survey
Inquirer Business - http://business.inquirer.net/54393/most-filipinos-have-no-bank-accounts%E2%80%94bsp-survey
Inquirer Business - http://business.inquirer.net/54393/most-filipinos-have-no-bank-accounts%E2%80%94bsp-survey
Ang sarap isipin na darating ang araw na hindi na kailangang mag abroad
ang iba satin para lang magbayad ng utang (kasi nangunagutang rin ang iba satin
sa pag punta nila sa ibang bansa para mag trabaho). O kaya masasabi ng bawat
isa satin na secured sila, hindi dahil sumasahod sila ng milyones kundi dahil
hindi na sila nabubuhay sa utang at may “safety net” na sila sa panahon ng
taghirap. Pero hanggat utak waldas at utak mahirap ang karamihan satin,
sigurado ako na pagtaya lang sa lotto at pagsali sa game show lang ang pag asa natin
para umasenso.
1 comments:
Ayoko na mangutang!
Post a Comment